Local News

‘Essential ang Lugaw KASI PAGKAIN YUN!’ MMDA Official, Nagsalita na!

Nagsalita na rin ang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) tungkol sa rider na pinagbawalan mag-deliver ng lugaw dahil sa ipinapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ilang bahagi ng Luzon.

Viral kasi ngayon ang paninita ng isang babae sa rider na magde-deliver lang sana ng lugaw. Ayon sa babaeng sumisita, hindi daw kasali sa mga essentials ang lugaw.

“Bakit may Grab pa kasi? Bawal na ho tambay. Kasi hanggang bukas kayo, may taong lalabas, may magde-deliver. Non-sense, Sir. Video mo pa ako… Hindi nyo ba naiintindihan?… Essential po ba si lugaw? Hindi… Kasi mabubuhay ang tao nang walang lugaw… Edi sana lahat ng pagkain bukas… Hindi po essential si lugaw, mabubuhay po tayong walang lugaw maghapon,” sabi ng babaeng sumisita.

Pinuna naman ni MMDA Spokesperson Celine Pialago ang pinagsasabi ng babae. Ayon sa opisyal ng MMDA, pwede ang delivery ng lugaw dahil ito ay pagkain.

“Tatlong sunod na araw pa naman ako nag lugaw pero nakapag deliver naman sila Lugaw Republic, Goto Pilipinas, Three J Lugawan at Via Mare through GRAB. Allowed ang 24/7 operations para sa mga deliveries lalo na sa pagkain.
Essential ba ang lugaw? OO KASI PAGKAIN YUN,” sabi ni Pialago.

“Kawawa naman ung grab rider dun sa viral na “LUGAW” halos sila na nga ang katuwang natin sa ngayon, dahil sa kanila nagagawa ng iba pagpapapirma ng dokumento ng hindi na lalabas ng bahay, pag order ng pagkain, pag deliver ng mga gamit, pagpapadala ng mga kailangan ipadala ng less hassle.
Dahil dyan, magpapa grab ako ulit bukas ng breakfast, lunch at dinner!
Then may ibibigay akong surprise,” dagdag pa ng opisyal ng MMDA.

Source: 1 | 2 | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén