Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

European teams, Gustong Mag-Ensayo sa Clark City para sa 2020 Olympics!

Binunyag ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and Chief Executive Officer Vivencio na mayroong mga koponan mula sa Europa na gustong gamitin ang sports facilities ng Clark City para sa papalapit na 2020 TOkyo Olympics.

“Right now, we have already been getting feelers from countries abroad who want to train in the New Clark City in preparation for Tokyo 2020 because they have to acclimatize, they have to practice in the heat, and they have to get used to the time zone. They’re already approaching us,” sabi ni Dizon.

Mayroon na rin daw umuugong na usapan para idaos sa naturang lugar ang Asian Swimming Championships.

Ang aquatic center ay mayroong eight-lane training pool at 10-lane Olympic pool para sa mga swimming competitions. Itinayo ang swimming facility sa pamamagitan ng steel at PVC lining na tulad ng ginamit sa London Olympics noong 2012. Nabigyan din ito ng global FINA certification.

Ang open-air athletics stadium naman ay kayang maglulan ng 20,000 na katao. Binigyan naman ito ng Class 1 certification ng International Association of Athletics Federations (IAAF), isang governing body para sa larangan ng sport athletics.

Ang naturang athletic stadium ay mayroong 9-lane main track, indoor and outdoor warm-up tracks na mayroong IAAF-approved Rekortan M sandwich synthetic surface system.

“When I first saw the new facility, I wanted to be an athlete again. During our time, we didn’t have this kind of equipment. I wanted to train again,” sabi ni Sean Guevarra, former national athletics team coach.

At kahit daw walang mga banyagang atleta na gagamit sa sports facility ay nakalaan naman daw talaga ito para sa Philippine National Team. Ang mga eskwelahan daw tulad ng University of the Philippines, the Technological University of the Philippines, the Polytechnic University of the Philippines, the Philippine Science High School, at ang panukalang Philippine High School for Sports ay itatalaga sa bagong lungsod kasama ang mga satellite offices ng national government agencies.

Source: CNN Philippines | Philstar | One News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén