Local News

Ex-Bayan Muna Cong. Casiño, Gumatong sa Tarlac Shooting Incident!

Ilang linggo matapos sabihin sa pagdinig ng kongreso na hindi niya itinuturing na kalaban ang mga New People’s Army (NPA), nakisawsaw ngayon si former Bayan Muna cogressman Teddy Casino tungkol sa kaso ng pulis na nakapaslang ng mag-ina sa Paniqui Tarlac.

“If an ordinary cop can shoot ordinary civilians, who had nothing nothing wrong, in broad daylight in front of his daughter and man witnesses, imagine what they do in the dead of night, with no witnesses, to ordinary civilians tagged as enemies of state?” boladas ni Casiño.

Mainit na usapin ngayong sa social media ang video kung saan mapapnood si Police SMSgt. Jonel Nuezca na binaril sa ulo sina sina Sonya Gregorio (52-anyos) at anak na si Frank Anthony Gregorio (25-anyos). Ayon sa ilang impormasyon, nag-ugat ang pamamaril sa away sa “right-of-way” at boga.

Naglabas na ng pahayag ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at nilinaw na isolated case ang nangyari.

“Hindi talaga nararapat ang ginawa ng pulis, lalong-lalo na nasa pangangalaga niya ang isang baril na pwede niyang gamitin supposedlyt laban sa kriminal — pero ginamit niya sa mga inosenteng tao… Bagama’t ito’y isolated case, we will see to it that justice will be served,” ani PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana.

Magugunita na noong dumalo si Casiño sa senado ukol sa hearing sa red-tagging, hindi nito kinundena ang pagpatay, panununog at paghahasik ng lagim ng mga rebeldeng komunista.

“Hindi ho masasamang tao ang mga ito. Sila po ay kapwa Pilipino na nagnanais ng pagbabago… Sa halip po na kundinahin sila at ang kanilang pakikibaka, hindi ba mas mabuti na pakitunguhan o i-engage natin sila para sa paglutas sa suliranin ng ating bayan… Kaya napaka-importante sa amin ang peace talks…Bakit nga ba nagiging NPA ang ibang aktibista? Ito po ang simpleng sagot: Nasi nilang lunasan ang mga problema at hinaing ng ating mamamayan at marahil hindi na sila nasasapatan sa kayang ibigay ng ksalukuyang sistema,” patutsada ni Casiño.

Source: Senate Philippines | News5 | Archive | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: