Local News

Ex-Billiard Champon Efren “Bata” Reyes, Nahuling Lumalabag sa Protocols!

Viral ngayon sa social media ang mga larawan at video ng umano’y pag-aresto sa tinaguriang “The Magician” sa larangan ng bilyar na si Efren “Bata” Reyes. Ayon sa mga ulat, si Reyes at ang mga kasama nito ay dinakip matapos mahuling naglalaro ng billiards sa San Pedro, Laguna.

Ang paglalaro ng bilyar ay isa sa mga ipinagbabawal bilang pagsunod sa ipinatutupad na health and safety protocols upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Matatandang ayon sa guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Diseases (IATF), tanging mga non-contact sports lamang ang pinayagang gawin gaya ng badminton at tennis. Samantala, pinayagan rin ng pamahalaan ang ilang “practices and conditioning” para sa mga larong basketball at football, matapos ang naging apela ng Philippine Basketball Association gayundin ng mga asosasyon ng laong football.

Bukod pa rito, si Reyes ay isa nang senior citizen, na pinagababawalang lumabas maliban na lamang kung para sa mga “essential activities”. Ang mga senior citizen ay kabilang sa tinatawag na “immuno-compromised” na higit na pinag-iingat sa panahon ng pandemya.

Makikita sa mga kumakalat na video online na sina Reyes at ang mga kasama nitong inaresto ay hinuli at kinausap ng mga awtoridad sa Barangay.

Source: Newsflashph | GMA News | Super Radyo Iloilo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén