Local News

Ex-DENR Secretary Gina Lopez, Pumanaw na!

Sumakabilang buhay na ang dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Duterte Administration na si Gina Lopez matapos makipaglaban sa brain cancer sa edad na 65-anyos.

Si Lopez ay kilalang children’s rights advocate at environmentalist bago maitalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang gabinete noong unang bahagi ng termino ng Presidente.

Nakilala si Lopez sa naging bahagi nito sa rehabilitasyon ng Pasig River and La Mesa Watershed. Naging laman ng balita si Lopez noon dahil sa pagpapasara nito sa mga mining operations na lumalabag sa environmental laws ng bansa.

Isa sa proyektong isinulong ni Lopez ay ang Investments in Loving Organizations for Village Economies o ang (iLOVE) Foundation. Layon ng nasabing proyekto na maiangat ang mga kababayan nating nasa mahihirap na komunidad sa pamamagitan ng paglikha ng environmentally conscious businesses.

Si Lopez din ang nagtatag ng Bantay Bata 163, isng hotline na nakatuon sa mga pagtulong mga kabataang nakakaranas ng pang-aabuso.

“Gina was the pillar of strength that pushed AFI to achieve what seemed to be impossible. Her caring heart and selfless kind of love inspired people within and beyond the organization to help and serve others,” sabi ng ABS-CBN sa isang pahayag.

Nakiramay na ang Malacañang sa pagpanaw ni Lopez. Sa isang pahayag, sinabi ng Palasyo na isa si Lopez sa pinaka-passionate na naging gabinete ni Pangulong Duterte.

“The Palace deeply grieves the demise of one of President Rodrigo Roa Duterte’s most passionate Cabinet members whose environmental advocacy and legacy remain unparalleled to this day… She would be greatly missed… As we pay tribute and give honor to this warrior and advocate, we fervently pray for the Almighty to grant her eternal repose. May the perpetual light shine upon her… She had indefatigable spirit. And on top of that she was a fierce protector of the environment and she didn’t stop even if she didn’t get the confirmation of being the secretary of DENR,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Source: ABS-CBN | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén