Local News

Ex-Durugistang Pamangkin, Hinalay at Pinatay ang Misis ng Tiyuhin niyang OFW!

Labis ang paghihinagpis ng kababayan nating Overseas Filipino Worker (OFW) sa Canada dahil sa nangyari sa kanyang asawa na si Lorilyn delos Santos.

Natagpuan na lang kasi ng mga otoridad si Lorilyn na wala nang buhay at wala na ring saplot pang-ibaba sa bahay nito sa Cardona, RIzal. Nagtamo ng saksak sa tagiliran ang biktima.

Ang suspek ay kinilalang si John Paul Campo, pamangkin mismo ng mister ng ginang.

Ayon sa ulat, nakipag-inuman pa muna si Campo bago gawin ang masama nitong balak. Natutulog umano si Lorilyn nang pumasok ang pusakal na suspek sa bintana. Magnanakaw lang daw sana si Campo pero nauwi ito sa panghahalay at pamamaslang. May naiwan pang sumbreo sa kwarto ng biktima na pinaniniwalaan na kay Campo.

“Hinila niya po ‘yung sliding window, doon siya pumasok, papasok sa loob ng bahay nina Lori… Dumiretso siya sa kusina, may nakita siyang kitchen knife. Noong nadampot niya sa mesa ‘yung cellphone ni Lori ay nagising si Lori. Habang nakahiga si Lori, tinakpan niya ‘yung bibig, doon na niya naisip na gahasain ito. Pero nanlaban daw kaya niya sinaksak si Lori,” pahayag ni Cardona Police Station Investigator Police Staff Sergeant Dan Dojillo.

Kalaunan ay sumuko si Campo dahil nakokonsensiya na daw siya sa nagawa. Napag-alaman na nakulong na rin ng 2 taon si Campo dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Archie, mister ng biktima, hindi niya alam kung paano niya isasalarawan ang kanyang naramdaman sa nangyari sa kanyang asawa. Hindi pa rin daw siya handa na harapin ang pamangkinn iyang suspek.

“Ang paghihirap na nadarama ko, hindi mabibigyan ng depinisyon. Walang hangganan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kayang i-explain ang nararamdaman ko… Hindi ko pa kayang tingnan (ang suspek), hindi ko pa kaya siyang kausapin, hindi ko pa kayang harapin,” sabi ni Archie Delos Santos.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: