Local News

Ex-Eraserheads Band Singer Ely Buendia, Kinontra ang Anti-Terror Law!

Kung ang mga beauty queens tulad nila Pia Wurtbach at Catriona Gray ay inulan ng sari-saring reaksyon matapos tutulan ang anti-terrorism bill na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, hindi na naman nadala ang dating frontman ng Eraserheads band na si Ely Buendia at nakisawsaw na rin sa isyu.

Sa kanyang social media post, ito ang nakalagay:

“We, the free artists and cultural workers of the nation, strongly condemn the swift and reckless passing of HB 6875 or The Anti-Terrorism Bill (ATB), as well as the manner in which it was voted on,”

Isa sa mga sumikat na kanta ng Eraserheads dati ay ang “Alapaap”. Magugunita nagustong ipatigil ni Senador Vicente “Tito” Sotto III ang pag-e-ere ng naturang kanta sa mga radyo dahil daw sa pino-promote daw nito ang pagdo-droga.

Narito po ang parte ng panayam kay uendia sa Esquire Magazine tungkol sa kantang nilang Alapaap:

““Alapaap?” A songwriter can ask no more than to have a song as controversial as that. Was it an allusion to drugs? Of course. You should know. Kaya nga na-pinpoint ‘yun e ‘cause it’s pretty obvious. Puwede ring hindi (about drugs), and that’s what we argued back then. (But) everybody knows what it’s about. Weed lang naman.”

Sa anti-terrorism bill, hindi itinuturing na terorismo ang protesta at pagsasabi ng sama ng loob sa gobyerno.

“Provided that terrorism, as defined by this Section, SHALL NOT INCLUDE advocacy, protest, dissent, stoppage of work, industrial or mass action, and other similar exercises of civil and political rights, which are not intended to cause death or serious physical harm to a person, to endanger a person’s life, or to create a serious risk to public safety.”

Dinepensahan na rin ng ilang opisyal ng gobyerno ang panukalang batas. Ilan sa mga ito ay sina Sen. Panfilo Lacson at Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Source: Interaksyon | Esquire

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: