Local News

Ex-Lover ni Christine Silawan ang Suspek sa Krimen?

Sa pinakahuling kaganapan sa kaso ng karumaldumal na pamamaslang sa grade 9 student na si Christine Lee Silawan, kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkaka-aresto sa bagong suspek. Ayon kay NBI 7 Director Attorney Tomas Enrile, ang suspek ay isang menor de edad at dating karelasyon ni Silawan. Naaresto ang suspek sa Barangay Bangkal sa Lapu-Lapu City. Base sa ulat ng Sunstar Cebu, inamin ng dating karelasyon ng biktima na isa sa mga rason kung bakit niya pinaslang ang dalaga ay dahil nagseselos siya. Binunyag na rin ng suspek ang mga kakuntsaba niya sa krimen at magsasagawa na ng follow-up operation ang otoridad.

Ang bagong impormasyon tungkol sa Silawan case ay tila kontra sa mga naunang ulat. Magugunitang lumabas sa ilang ulat ng mainstream media ang larawan ni Jonas Bueno na sinasabing primary suspect sa pagpaslang kay Silawan. Si Bueno ay may kinahaharap na kaso ng pagpatay sa isang magsasasaka. Ang paraan ng pagkakapaslang sa magsasaka ay nakitaan ng pagkakaparehas sa nangyari sa bangkay ng grade 9 student.

Noong nakaraang linggo, tumabad sa publiko ang balita ng kalunos-lunos na sinapit ni Silawan. Ang dilag ay nagtamo ng mahigit 30 na saksak, binalatan ang mukha at ang ilang bahagi ng laman loob ay nawawala. Si Silawan ay isang volunteer sa simbahan malapit sa kanila at nasisilbing kolektor dito.

Dahil sa kaawa-awang nangyari sa biktima, may ilang kababayan tayo na gustong ibalik ang parusang bitay. Kinontra naman ito ng ilang senatorial candidates ng Otso Diretso habang ang ilang kandidato ng administrasyon ay pumabor sa panawagan.

Source: Sunstar | CDN | DYHP RMN CEBU | ABS

Leave a Reply

Theme by Anders Norén