Local News

Ex-Mayor Erap, Babawiin ang Liderato ng Maynila?

“If I have a chance to come back, I will,”

Ganito ang naging pahayag ni dating Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa ABS-CBN habang pinapanood ang isang video documentary na nagpapakita ng mga nagawa niya sa 50-taon na panunukulan sa gobyerno. Ayon sa ulat, wala balak tumakbo sa pagka-Pangulo si Erap, kundi ang plano daw ng dating alkalde ay mabawi ang liderato ng Maynila at maitatag muli ang dinastiya sa San Juan.

“I’m still strong,”

Banat ng dating alkalde, malakas pa rin daw siya at kaya pang magsilbi sa mga tao kahit 82-anyos na. Ginawang halimbawa ni Estrada ang nangyaring political comeback ni Mahathir Mohamad bilang Prime Minister ng Malaysia noong 2018 sa edad na 92-anyos.

Nitong nagdaang eleksyon ay nasaksihan ang pagbagsak ng dinastiya ng Estrada. Natalo din kasi para sa paka-senador ang dalawang anak ni Erap na sina former senator JV Ejercito at Jinggoy Estrada.

Naghihinala din si Erap na maari nagkaroon ng pagsasabwatan noong nakaraan halalan.

“We suspect lang but we have no proof… It’s the voice of the (vote-counting) machine so it’s not the voice of God,” sabi ng dating alkalde.

Dumipensa din ang dating alkalde tungkol sa isyu sa mga illegal vendors na ngayo’y nireresolba ni current Manila Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso. Ayon kay Erap, hindi kaya ng konsensiya niya ang mga maaapektohang mahihirap.

“I could not, in conscience… Magpapasikat lang ako, maglilinis, pero ang daming magugutom na mahihirap,” paliwanag ni Erap.

Binawian din ni Erap ang ilang kritiko na nagpapahapyaw na kumita siya sa mga illegal vendors kaya hindi niya pinaalis ang mga ito. Resbak ni Erap, hindi niya pagkakakitaan ang mga mahihirap at babalik showbiz na lang siya kung pera lang ang usapan.

“Imposible naman…. Eh di mag artista na lang ako. Mas malaki pa kikitain ko. Papatulan ko pa mahihirap na tumulong sa kin? Kalokohan ‘yan,” paliwanag ni Erap.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén