Local News

Bantay-Salakay? GMA Host Arnold Clavio, Binuntis ang Ex-OFW na si Sara Balabagan!

Lumantad sa social media ang former Overseas Filipino Worker (OFW) nasi Sara Balabagan para ituro si GMA Host Arnold Clavio na anak umano ng kanyang panganay na anak.

Napilitan si i Balabagan na magsalita dahil sa viral post na kumalat patungkol sa ama ng kanyang panganay na anak.

“Kaya ko to ginagawa dahil after 22 years, lumabas na naman. Sabi nga nila, walang bahong hindi lalabas… Hindi naman po ako nalungkot dahil by God’s grace, masaya na ako sa buhay ko… Idinagdag pa niya na siguro ay will ng nasa Itaas ang mga nangyayari para maitama niya ang lahat ng dapat maitama… Hindi naman po habambuhay, e, buhay ako para sagutin ang mga haka-haka at mga tsismis na ‘yan… Paano ‘pag wala na ako sa mundo? Tapos hindi ko ito kinorek? Baka mamaya maging multo pa ito sa anak ko… Nagkakilala kami ni Arnold nu’ng panahong ako ay nakapiit pa at dinalaw nila ako doon… Naging close kami noon ni ‘Kuya Arnold’…at nu’ng unuwi ako sa Pilipinas noon August 1, 1996, isa po siya sa mga nag-cover ng kaso ko. Naging exclusive la nga niya ang story… Alam niyo naman kung gaano siya ka-kengkoy. Hindi kang ‘yung mukha niya kundi pari na rin ‘yung sense of humor niya. Kahit umiiyak ako, e, napapatawa niya ako… Galing ako sa kulungan noon and just imagine kung gaano ako ka-vulnerable noon pero hindi ko po idya-justify kung ano ang nagawa ko po…. Si ‘Kuya Arnold’ din ang kauna-unahang tao na nagpasyal sa akin sa Maynila. At siya rin ang kauna-unahang tao na nagyayang manood sa akin ng sine,” sabi ni Balabagan.

Ayon kay Balabagan, dumating pa raw sa punto na sinabihan daw siya ni Clavio na huwag aamin sa kanilang relasyon. Nabuntis ni Clavio si Balabagan kahit na pamilyado ng tao ang GMA journalist.

“Ang sabi kasi sa akin noon ni Arnold, e, walang aminan. Kahit ano raw ang mangyari, e, ‘wag akong aamin… I was 17 years old nu’ng mga panahon na ‘yun at talagang napaniwala niya ako,” pagbubunyag ni Balabagan.

Si Balabagan ay naging kontrobersiyal noong kalagitnaan ng dekada nobenta dahil sa pagkakakulong niya sa United Arab Emirates dahil sa kasong murder. Ayon sa mga dating ulat, tinangka umano siya gahasain ng kanyang amo kaya niya ito napatay.

Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang mga pahayag ni Clavio laban sa Duterte Administration tungkol sa pagtugon ng pamahalaan sa covid-19 pandemic.

Source: Sara Balabagan via Very Want YT Channel | Remate

Leave a Reply

Theme by Anders Norén