Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Ex-PBB Housemate ng ABS-CBN, Arestado sa Kasong Alarm & Scandal!

Inaresto kaninang madaling araw si Karlos Lorenzo Gutierrez, 22-anyos, matapos itong magwala sa Karrivin Plaza sa Pasong Tamo Extension sa Barangay Magallanes, syudad ng Makati.

Base sa ulat ng Makati City Police Station (CPS), nangyari ang insidente mga 1:20 ng madaling araw.

.

Tinungo ng mga arrestig officers na sina Staff Sergeant Allan Agbayani and Police Corporal Jonathan de Guzman ang lugar na pinagyarihan ng insidente matapos makatanggap ng sumbong sa isang scurity guard na may nangyayaring suntukan sa lugar.

Pagkarating daw ng mga pulis ay minura ang mga ito at hinamon pa ng suntukan.

“Di niyo ba ako kilala? F__, p___ i__ n’yo. Ano, suntukan na lang tayo?” sabi ni Gutierrez.

Noong una, sinubukan pa raw ng mga pulis na pakalmahin ang binata pero pinagbantaan ba daw ng aktor ang mga pulis na ipatatanggal sa serbisyo.

“Sino ka? ipapatanggal kita sa serbisyo? Kilala mo ba kami?” bulalas pa umano ni Gutierrez.

Hindi pa nakuntento at binanggit pa raw ang pangalan ng politiko na si ex-House Peaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr.

Ang kaso ay nai-turn over na sa Station Investigation and Detective Management Branch para maimbestigahan.

Mahaharap si Gutierrez sa kasong disobedience to persons in authority at alarm and scandal.

Si Gutierrez ay naging bahagi ng programang Pinoy Big Brother, isang reality show ng ABS-CBN.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa insidente kinasasangkutan ng aktor.

” Tssk Yan kc sumikat Lang Ng ilang araw nag aangas na mano bang maging mapagkumbaba ka sa kapwa mo mas karespe respeto kapa Sana,” sabi ni A. Nieves.

“Yan ang napapala ng mga mayayabang hnd pa cla masyado sikat nag iiba na mga ugali…hnd na nrespeto ang mga kapulisan hahahahah,” sabi ni N. Capulong.

” PBB Preso Edition
Sabay sabay nating i-welcome ang pagpasok ng ating bagong Inmate na si Karlos Lorenzo! Say bye to outside world na lorenzo. (Toni Gonzaga Voice),”
sabi ni R. Turbanada.

Source: GMA News | Inquirer | Facebook

Leave a Reply

Theme by Anders Norén