Local News

Ex-President Erap, Naka-Ventilator na dahil sa Paglala ng Kalusugan!

Ibinunyag ni former senator Jinggoy Estrada ang lumalalang kalusugan ng kaniyang ama na si former President Erap Estarada.

Ayon kay Jinggoy, kinailangan na raw ng ventilator o makina para makahinga ng maayos si Ex-President Erap.

“Yesterday, my father’s condition suffered a setback as his pneumonia worsened. Because of this and the resulting increase in oxygen requirement, his doctors decided to place him on mechanical ventilation,” sabi ng nakababatang Estrada.

Nanawagana ngdating senador ng panalangin mula sa publiko.

“Virus is unpredictable. My dad was recuperating very well the past few days when suddenly it shifted yesterday when his Pneumonia worsened, thus the need to use a ventilator,” dagdag naman ng isa pang anak ni Erap na si former senator JV Ejercito.

Ang 83-anyos na dating Pangulo ay sinugod sa pagamutan noong Marso 28. Natuklasan na nagpositibo ito sa c0v1d. Inilipat si Erap sa intensive care unit noong ika-4 ng April.

Nagsilbi si Estrada bilang ika-13 Pangulo ng Pilipinas.

Source: CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén