Local News

Ex-President Noynoy Aquino, Dinala sa Ospital!

Ayon sa ulat ng DZRH News Television, dinala si dating Presidente Benigno “Noynoy” Simeon Cojuangco Aquino III sa Makati Medical Center upang isailalim sa operasyon sa puso. Hindi pa tiyak kung ang dating Presdiente ay itinakbo sa opsital o ito ay pre-scheduled na heart surgery.

Magugunita na noong Agosto 21, 2019 ay inalala ng pamilya Aquino ang pagpanaw ng namayapa nilang padre de pamilya na si former Benigno “Ninoy” Simeon Aquino Jr.

Marami ang nakapansin na hindi nakadalo sa naturang okasyon si Noynoy. Ayon sa nakababatang kapatid ng dating Pangulo na si Kris, may sakit daw si Noynoy.

“He is sick. He is not okay. I’m not at liberty to say what’s wrong with him… So, um, these three years have been tough on him. I’m sure dad will forgive me if I make this about Noy. Hindi dapat kinu-crucify ang naging mabuting tao… Please include him in your prayers because he needs strength,” sabi ni Kris.

Matatandaan na matapos ang termino ni former president Noynoy ay sinampahan ito ng sari-saring kaso. Ilan sa mga ito ay ang “usurpation of legislative powers over the implementation of the Disbursement Acceleration Program”. Nahaharap din ang dating Pangulo sa kasong kriminal kaugnay sa pagpapagamit ng kontrobersiyal na Dengvaxia dengue vaccine. Ayon sa ilang pahayag ng Public Attorney’s Office (PAO), ang naturang bakuna umano ang naging sanhi ng pagpanaw ng ilang kabataan.

Update: Nilinaw ng kampo ni dating Pres. Noynoy Aquino na isang scheduled check up ang pinunta ni Aquino kaya siya nasa ospital.

Source: DZRH | MSN | Inquirer | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén