Local News

Ex-PNoy, Nasa Party Matapos ang Bagyong Sendong noong 2011? Ano ang Pagkakaiba ng DU30 at PNoy Administration?

Habang abala ang mga kritiko na siraan ang Duterte Administration kaugnay sa paraan ng pamahalaan sa pagresponde sa kalamidad, nararapat na balikan natin ang kasaysayan at maikumpara kung ano ang kaibahan ng Duterte Administration at ng gobyerno ni former president Noynoy Aquino.

Ngayon ay pinapakalat ng mga anti-DU30 ang hashtag na #NasaanAngPangulo sa social media upang palabasin na walang ginagawa ang kasalukuyang presidente sa nangyayaring kalamidad. Ito ay agad napabulaanan nang maglabas ng larawan at videos ng mga rescue efforts ang mga ahensiya ng gobyerno.

Pero alam niyo ba ang naging balita noong hinagupit ng bagyong Sendong ang Pilipinas noong 2011?

Ayon sa mga online articles ng Yahoo at ABS-CBN, dumalo daw si dating Pangulong Aquino sa party ng Presidential Security Group isang araw matapos salantahin ni Sendong ang Pilipinas. Ito ay kinumpirma mismo ng mga opisyal ni Aquino.

“He briefly went there. The President felt he had to drop by the party, these are the people who guard him. He was there for less than 30 minutes,” sabi ni Communications Secretary Ricky Carandang.

Base sa isang artikulo, pumalo sa lagpas 1,400 ang namatay dahil kay Bagyong Sendong noong 2011. Kung ikukumpara ito sa mga numero ng mga nasawi sa dumaan na dalawang bagyo (Rolly at Ulysses) ngayong 2020, makikita na mas kaunti ang mga nabiktima.

Ito ang ilan sa mga dahilan kaya hindi nakakapagtaka kung bakit tuloy pa rin ang pagtitiwala ng mga tagasuporta ni Pangulong Duterte sa kasalukuyang gobyerno.

Source: Yahoo | ABS-CBN | ABS-CBN | PCOO | Archive| Archive | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén