Local News

Ex-Rebel Trillanes, Umangal sa Bantang Martial Law ni PDU30 laban sa NPA!

Nitong ika-24 ng Abril ay nagbanta si Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa mga New People’s Army (NPA) dahil sa walang humpay na pananambang ng mga ito laban sa mga sundalong tumutulong sa covid-19 relief efforts at pagnakaw ng ayuda ng gobyerno sa taumbayan.

“I never said “I will declare martial law” kasi ‘yung martial law ho para lang ‘yan sa mga rebelde, para sa mga komunista. Now let me be very clear on this, if itong lawlessness which was imposed on us by the NPAs for the longest time, 53 years — maski saang probinsya may NPA.

Kanina o kahapon, dalawang army nag-escort para i-deliver ang supply sa mga tao pati pera pinatay ninyo. If that is not lawlessness, what is that? Tell me.

Kaya ngayon, ‘pag nagpatuloy kayo ng lawlessness ninyo, patay dito, patay doon and it’s happening all over the Philippines, maybe I will declare martial law because kayong mga NPA ang numero uno. Kinukuha ninyo ‘yung mga tulong sa tao pati ‘yung supply pagkain nila.

Kaya I am now warning everybody and putting notice sa Armed Forces pati police, I might declare martial law and there will be no turning back. Kung ano ang martial law na klaseng gagawin ko akin lang ‘yan,” banta ni Pangulong Duterte sa mga rebeldeng komunista.

Ang banta na ito ni Pangulong Duterte laban sa mga NPA ay hindi nagustuhan ni dating senador Antono Trillanes IV.

“Imbes na #MartialLaw ang pinagpapantasyahan mo, #masstesting at pagbigay ng ayuda kaya ang atupagin mo!” boladas ni Trillanes.

Si Trillanes ay dating sundalo na nagrebelde kay former president Gloria Macapagal Arroyo.

Source: PCOO | Luminous | Sonny Trillanes IV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: