Local News

Ex-senator Revilla Sr., Pumanaw na!

Ayon kay Senador Bong Revilla, pumanaw na ang kanyang ama na si Former Senator Ramon Revilla Sr.

Ang 93-anyos na si Revilla ay dinala sa ospital dahil nakakaranas ng kahirapan sa paghinga.

Bago ang pagpanaw ng kanyang ama, nag-post si Sen. Bong sa social media at humihingi ng panalangin para sa kanyang ama.

“Daddy is going through a rough time. Please continue to pray for him,” sabi ni Sen. Bong.

Nitong Lunes lang ay nag-post pa si Sen. ong ng video habang nagce-celebreate sila ng Father’s day sa kwarto ng kanyang ama.

“Masaya naming naipagdiwang ang Father’s Day kasama si Daddy sa kanyang tahanan. Sa kwarto niya nakadisplay ang pinakamahalagang tropeyo niya sa buhay — kaming mga anak niya,” saad ni Sen. Bong.

Narito po ang video mula po kay Sen. Bong.

Source: CNN Philippines | MSN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: