Local News

Lalaki, Akmang Bubunot ng Baril laban sa mga Pulis!

Kumakalat ngayon ang isang video kung saan mapapanood ang isang lalaki na pinadadapa ng mga alagad ng batas pero nagmamatigas. Imbes na sumunod sa otoridad ay umakma pa ito na may bubunutin sa kanyang bag. Dahil sa naging asta at galaw ng lalaki ay agad itong pinaputukan ng pulis.

Kinilala ang lalaki na si Winston Ragos, 34, isang dating sundalo. Pumanaw si Ragos sa ospital ilang oras matapos ang insidente.

Nakuha sa bag ni Ragos ang isang Smith and Wesson revolver at apat na bala. Isinailalim naman ng pulis na bumaril ang kanyang sarili sa imbestigasyon.

Ayon sa ulat ng Daily Tribune, si Ragos ay diumano’y nambu-bully ng mga police trainee sa quarantine checkpoint sa Quezon City. Ang video ng insidente na inilatahala ng Daily Tribune sa kanilang social media account ay edited na dahil sa sensitibo nitong nilalaman.

Ayon sa radio host at blogger na si Mark Lopez, posibleng gamitin daw ng mga kritiko ng administrasyon ang video laban sa Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Uunahan ko na kayo… Yang nangyaring SHOOTING INCIDENT SA FAIRVIEW na kumakalat na sa chat groups, gagamitin yan, and will be exploited ng mga dilawan, mga pekeng makakaliwa, mga woke at mga oportunista, laban kay Presidente Duterte… SIGURADO YAN,” sabi ni Lopez.

Narito naman ang personal na opinyon ng prominenteng abogado na si Atty. Trixie Cruz-Angeles.

“Personal opinion, abswelto yung pulis sa shooting incident. He did everything by the book.

Para dun sa nagtataka. May umiikot na video ng shooting incident allegedly in Fairview of a cop that had to shoot down a guy. Maliwanag sa video na yung action ng biktima ay parang bubunot ng baril. Whether he was armed or not is beside the point.

He already disobeyed the cop (disobedience to lawful authority Art. 151 Revised Penal Code) and was continuing to do so. PInadapa siya ilang beses, acted in a hostile manner and appeared to go for his gun.

Kung gagawing isyu ito for example ng alleged pagmamalabis ng state forces, this cop should not be penalized. His actions are clear standard operating procedure with regard to that portion covered by the video.

In fact, patient pa yung pulis. He shot ONLY when the person appeared to go for his gun and not before.

Note: If there are other circumstances not evident in the video, this opinion could change.” ani Atty. Trixie.

Source: Daily Tribune | Daily Tribune | Mark Lopez | Luminous

Leave a Reply

Theme by Anders Norén