Local News

Ex-Teen Star, Arestado sa Pagbebenta ng Shabu!

Timbog ang inabot ng dating teen star o actress na si Angela Garcia Bobis o mas kilala sa screen name na si Angela Zamora dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa mga ulat, nasakote si Zamora kasama ang kanyang live-in partner na si Vladymir Bersana sa isang exclusive subdivision sa Mambog 4, Cavite. Arestado din ang 3 pang kasama ng magkarelasyon na kinilala naman na sina Floro Lopez, Jovencio Isler at Christian Lawrence Macanlalay.

Nakuha sa mgasuspek ang mga bawal na gamot na may halagang P68,000 at may bigat na 10.08 na gramo.

Pumalo sa 31 na drug personilities ang naaresto ng Bacoor City Police nitong nagdaang lnggo sa pamamagitan na kanilang simultaneous anti-criminality law enforcement operation”.

Mahaharap ang mga salarin sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Nakapiit na ang mga salarin sa Bacoor City Detention Center.

Base sa ulat ng Philstar, si Zamora umano ay naging parte ng Star Magic Batch 5 noong 1997.

Basahin ang naging reaksyon na ilang kababayan natin sa pagkakadakip kay Zamora.

“Ayan shabu pa more. There is more to life when you are addicted to it. More to life inside prison. Please bring back TOKHANG and teach these people some lessons! Tsk Tsk,” sabi ni D. Rule.

“mga adik… ang dami pa jan mga artista.. mahirap lang aktohan talaga.. salamat sa mga autoridad.. sana mas madami pa mahuli nyo.. pag lumaban katayin nyo na para wala ng problema taong bayan.. magiging pabigat pa mga yan sa bansa..,” sabi ni J. Prady.

“Tandaan nyo. Walang magaling na Supplier kung walang mga users..Hindi sisikat ano mang produkto kung walang tumatangkilik…,” sabi ni R. Cesar.

“Hala diyan sa loob ng kulungan mo ituloy yong ambisyon mong maging bituin yon nga lang sa kulungan dahil ikaw ang star nila.,” sabi ni S. Villones.

Source: Inquirer | Philstar | GMA News | ABS-CBN News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén