Local News

Facebook Official na Nagtanggal ng mga Accounts, Nagbigay ng Papuri kay Maria Ressa!

Naging laman ng balita ng kamakailan lang ang ginawang pagtanggal ng Facebook sa mga pages at accounts sa Pilipinas na konektado umano sa kapulisan at militar.

Ayon sa Head of Security Policy ng Facebook na si Nathaniel Gleicher, mayroon daw inauthentic behavior na nangyayari sa mga nasabing accounts at pages.

“We also removed 57 Facebook accounts, 31 Pages and 20 Instagram accounts for violating our policy against foreign or government interference which is coordinated inauthentic behavior on behalf of a foreign or government entity. This network originated in in the Philippines and focused on domestic audiences.

This network consisted of several clusters of connected activity that relied on fake accounts to evade enforcement, post content, comment and manage Pages. This operation appeared to have accelerated between 2019 and 2020. They posted in Filipino and English about local news and events including domestic politics, military activities against terrorism, pending anti-terrorism bill, criticism of communism, youth activists and opposition, the Communist Party of the Philippines and its military wing the New People‚Äôs Army, and the National Democratic Front of the Philippines.” sabi ni Gleicher.

Ibinunyag naman ni Presidential Communication Operation Office (PCOO) Usec Lorraine Badoy ang tila pagpapakita ni Gleicher ng pabor sa kritiko ng Duterte Administration na si Rappler CEO Maria Ressa.

Banat ni Badoy, sinabi ni Gleicher na isang inspirasyon daw si Ressa na kamakailan lang ay hinatulan ng guilty dahil sa kasong cyber libel.

“This is a dark, dark day for press freedom. @mariaressa is a fearless reporter and an inspiration.” sabi ni Gleitcher sa kanyang Twitter post

Kagabi lang ay nagbantana si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Facebook. Hindi nagustuhan ng Presidente ang pagtanggal ng Facebook sa mga advocacy pages tulad ng “Hands Off Our Children” o HOOC. Ang HOOC ay binubuo ng mga magulang na nawalan o nawalay sa anak dahil sa kagagawan ng mga leftist group.

Source: PCOO Usec Badoy | FB News | Nathaniel Gleicher | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: