Local News

FAKE News ang US Ban sa mga Nagpakulong Kay De Lima, ayon sa Columnist at Radio Host

Nitong nagdaang mga araw ay naglabas ang mga local mainstream media ng istroya tungkol sa pagpirma ni United States President Donald Trump sa US 2020 budget law kung saan kasama diumano ang probisyon na pagbabawal sa mga responsable sa pagkakakulong ni Senadora Leila De Lima na makatungtong sa Estados Unidos.

Magugunita na inilista ni De Lima si Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa mga responsable sa kanyang pagkakapiit.

Ilang araw din ibinandera ng mga mainstream media ang kanilang istorya. Pero ngayong araw ay may natukalasan ang mga pro-government bloggers tungkol sa isyu. Ayon sa ilang prominenteng taga-suporta ng Duterte Government tulad ng radio host na si RJ Nieto aka Thinking Pinoy, hindi raw matatagpuan ang nasabing probisyon sa final version na pinirmahan ni US President Trump.

Ang pinakamalapit na probisyon na pwedeng ikonekta sa pagkakakulong ni De Lima ay matatagpuan daw sa Section 7031(c)(1)(A).

“Officials of foreign governments and their immediate family members about whom the Secretary of State has credible information have been involved in significant corruption, including corruption related to the extraction of natural resources, or a gross violation of human rights shall be ineligible for entry into the United States,”

Pero ang nasabing probisyon ay makikita din daw sa mga nakaraang US budget law (2015, 2016, 2017, at 2018).

2020 US Budget

2015 US Budget

2016 US Budget

Maski ang Fact Checker ng Facebook ay hindi makita ang tinutukoy na probisyon sa 2020 US Budget.

Ang detalyadong paliwanag tungkol sa isyu na ito ay inilathala ng Manila Bulletin kung saan kolumnista si Nieto.

Source: Manila Bulletin | RJ Nieto – THinking Pinoy | Ellen Tordesillas

Leave a Reply

Theme by Anders Norén