Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News, World News

Famous Action Star Jackie Chan, Nag-DU30 Fist kasama ang Pangulo Natin!

Ayon kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, naging madiplomasya umano ang pag-uusap nina Presidente Rodrigo Roa Duterte at ni Chinese President Xi Jinping sa kanilang bilateral meeting tungkol sa arbital ruling sa West Philippine Sea na ginawa sa Diaoyutai State Guesthouse sa Beijing.

Diretshan din daw ang pag-uusap ng dalawang lider subalit maayos ang naging paliwanagan ng dalawang kampo tungkol sa pinag-aagawang teritoryo.

Sa pagtungo ng Pangulo Duterte sa China, anim na kasunduan ang napirmahan. Ilan sa mga nilagdaan ay ang memorandums of understanding (MOU) sa edukasyon, agham, mutual assistance in Customs matters, teknolohiya at imprastruktura.

“Your Excellency, I am pleased to see you again and to undertake this visit upon your cordial invitation. I thank you and your government for the warm hospitality and excellent arrangements… To be sure, there have been challenges. Yet we are living up to our commitment to define our ties as a Comprehensive Strategic Cooperation… With channels for dialogue fully opened, agreements signed and projects underway, there is a clear path of partnership and convergence,” sabi ni Presidente Duterte.

Nagpasalamat din ang ating Presidente sa China sa suportang ibinigay nito sa modernisasyon ng sandatahang lakas ng Pilipinas. Magugunita na nagbigay ng libreng military aid ang bansang China simula pa noong 2017.

Napaulat na masaya si President Xi na makita muli ang ating Presidente at umaasa ang lider ng bansang Tsina na lalong umayos ang relasyon ng dalawang bansa.

Nakita at naka-usap naman nina Presidente Duterte at ni Senador Bong Go ang Chinese Action Star na si Jacky Chan sa China. Si Chan ay isang martial artist, actor, director, producer, stuntman, at mang-aawit. Lumitaw na din siya sa higit 150 na pelikula. Nitong mga nakaraang taon ay napasok na rin si Chan sa mundo ng Hollywood.

Source: DWIZ |Christopher Bong Go | Manila Times | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén