Local News

Famous Singer Daryl Ong, Sinibak ng ABS-CBN matapos Magkomento sa Franchise Issue!

Ibinunyag ng kilalang singer na si Daryl Ong na hindi na siya konektado sa ABS-CBN. Ito ay matapos na magkomento sa siya sa franchise issue ng istasyon.

Sa kanyang social media video, pinasalamatan ni Ong ang mga kaibigan niya sa Kapamilya network na tumulong sa kanyang karera bilang mang-aawit.

Ikinuwento din niya ang mga nangyari bago humantong sa pagkakasibak niya sa network.

Ayon kay Ong, nasa Iloilo sila ng mga kasamahan niyang singers na sina Bugoy Drilon at Michael Panilinan para sa isang event. Dito daw nila napagkwentuhan ang pamumuhunan sa stock market. Hanggang sa napag-usapan din daw nila ang franchise issue ng Kapamila network.

Nagpakita daw ng suporta si Drilon sa online petition para sa franchise renewal ng kanilang istasyon.

Iba naman ang naging opinyon ni Ong. Para kay Ong, mahihirapan makakalap ng pirma ang petition. At lalong mas mahirap ay kalaban ng istasyon ang gobyerno at si Pangulog Rodrigo Duterte.

“Sabi ni Bugoy na 60 thousand na lang yung kulang para mabuo yung 1 million. Ako naman nakita ko rin yun, ang pagkakakita ko naman 60 thousand pa lang yung nagsa-sign.. May deadline po kasi yun… So sabi ko kay Bugs, wala na ‘yan malabo na ‘yan, hindi na yan aabot kasi 60 thousand pa lang at anong petsa na… Tapos nagdagdag ako ng comment na sabi ko mahirap yan, naku malabo na yan mahirap yan, kalaban ba naman nila ang gobyerno, si Presidente ba naman ang kalaban, so malabo na yan,” sabi ni Ong.

Ang hindi nila alam ay may nagre-record ng kanilang usapan.

“Hindi po namin alam na ‘yung isang katabi namin sa table, ‘yung sinasabi ko na isang lalaki pa, akala ko kasi, kaibigan ‘yun nung babae na ka-kwentuhan namin na dating nagwo-work sa ABS… It turns out hindi niya pala kilala ‘yun… So nire-record pala kami, ‘yung usapan namin, hindi namin alam,” saad pa ni Ong.

Source: Daryl Ong

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: