Local News

Fans ng ABS-CBN Stars, Gustong I-BLOCK sa Social Media ang Bumabatikos sa KathNiel Love Team!

Pinasimulan ng mga tagahanga nina ABS-CBN stars Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel) ang paandar na “WeBlockAsOne” sa social media platform na Twitter.

Nais ng mga Katniel fans na burahin ng mga administrators ng lahat ng social media sites ang mga bumabatikos sa kanilang iniidolo.

Magugunita na noong Mayo 5, 2020 ay inutusan ng National Telecommunication Commission (NTC) na huminto sa pag-ere.

Ilan sa mga artistang nagsalita laban sa hakbang ng gobyerno ay sina Padilla at Bernardo. Giit ng dalawa ang kalayaan sa pamamahayag.

“Sa mga kabataan, sana huwag kayong matakot. Kasi kagaya niyo rin ako, natakot ako. Pero kung hindi kasi tayo magsasalita ngayon, sino? Tayo ‘yung magmamana ng Pilipinas, kaya may karapatan tayo,” boladas ni Bernardo.

“Bilang Pilipino, tungkulin natin na maging mapagmatyag. Karapatan natin ang magsalita, pero kasama ng karapatan na ‘yan ay responsibilidad — responsibilidad na siguraduhin na ang sinasabi natin ay tama, at higit sa lahat ay makatao at para sa tao,” banat naman ni Padilla.

Matapos ang naging pahayag ng dalawang artista ay inulan ito ng kritisismo mula sa mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng mga may ayaw sa ABS-CBN. Matatandaan na naligo din ng batikos sina Coco Martin at Kim Chiu nang mag live video ang mga ito.

Isa sa mga tumuligsa sa pinagsasabi ng Kathiel love team ay ang radio host at blogger na si Banat By (Byron Cristobal). Ang video ni Cristobal ay nakarating sa mga tagahanga ng love team. Kaya isa si Cristobal sa gustong ipa-block ng mga fans ng KathNiel.

Maggugunita na isa sa ipinopronta ng mga artista ng ABS-CBN na kontra sa desisyon ng NTC ay ang “kalayaan sa pamamahayag”. Ngunit isang kabalintunaan ang ginagawa ng mga tumatangkilik sa artista ng ABS-CBN.

Ano ang masasabi niyo sa hakbang na ginagawa ng mga tagahanga ng mga artistang ito?

Source: PEP | Archive | News5 | Interaksyon | Banat By

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: