Local News

Feb 22 Oust DU30 Rallyists, Nagpakita ng Puwersa!

Ngayong araw, Pebrero 22, nagsasagawa ang grupong “Bunyog” ng kanilang kilos-protesta para ipinawagan ang pagbibitiw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ang nasabing pagkilos ay patikim para sa papalapit na selebrasyon ng 34th EDSA revolution.

Nauna nang sinabi ni Atty. Larry Gadon na hindi magiging matagumpay ang gagawin ng grupo. Para kay Atty. Gadon, ilan lang ang naniniwala sa ipinaglalaban ng mga ito. Paliwanag pa ni Atty. Gadon, nagising na umano ang publiko. Banat pa ni Atty. Gadon, ang mga pupunta lang sa nasabing mass protest ay mga bayaran at mga militante.

Sa isang pahayag, dumistansiya si Vice President Leni RObredo sa kilos-protesta ng grupo.

“Hayagan ko pong sinasabi: Hindi ako bahagi ng anumang panawagang bumaba sa puwesto si Pangulong Duterte. Ang panawagan ko lang, sana gawin nating lahat ang trabaho natin bilang mga lingkod-bayan,” sabi ni Robredo.

Source: CNN Philippines | RMN | VOV Ph

Leave a Reply

Theme by Anders Norén