Local News

Leftist Filipino-American , Nanggulo Habang Nagsisiwalat ang mga Biktima ng NPA Terrorists!

Isang Filipino-American ang biglang na lang nambulahaw sa speaking engagement na para sa mga Indigenous Peoples (IP) leaders sa San Francisco, California noong July 10. Layon sa naturang pagtitipon na isiwalat ang mga kasamaang ginagawa ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa mga kababayan nating tribal leaders sa Mindanao.

“Tama na. Sobra na. Tama na. Sobra na, You are here to spread lies about our organization,” sigaw ng Fil-Am na nagwala sa pagtitipon.

Ang ginawang panggugulo ng Fil-Am ay hindi pinalagpas ni Christine Banugan, Chieftain ng Mandaya Tribe. Hindi napigilan ni Banugan na maging emosyonal habang isinasalaysay ang kaawa-awang nangyari sa kanyang pamilya sa kamay ng mga NPA.

“Ang sinasabi po namin ay ‘yung narrative po namin. Ito po ‘yung katotohanan na nangyayari sa amin ancestral domain. Kami po ang naninirahan sa ancestral domain at hindi ‘yung mga tao na sumisigaw sa amin na ‘stop telling lies’. We are not telling lies. I am a victim. Hindi niyo naranasan na namatayan ng ama dahil pinatay ng mga NPA na komunista. Pasensiya na kung naiiyak ako. Nagagalit ako dahil biktima ako, biktima kaming lahat,” sabi ni Banugan.

Binatikos naman ng mga netizens ang ginawang pagwawala ng Fil-Am sa naturang forum.

“Namatayan yung mga IPs tapos kung makasigaw yang mga yan ganun na lang. Nakatapak na ba yan sa mga kabundukan dito kung saan nagtatago ang mga NPA? Walang respeto. Nakakahiya,” sabi ni Morrine Sarco.

“Kawawa ang mga IPs. Mga Pilipinong iba ang modelo at ideolohiya ang mismong lumapastangan sa kanila,” sabi ni Lito Famindalan.

Ayon naman saisang kababayan natin, dapat ay mapangaralan ng mabuti ang mga kabataan para hindi maloko ng mga komunista.

“Kailangan talaga mapalawak pa ang awareness sa publiko lalo na sa mga kabataan nang di sila mahikayat sa mapanlinlang na salita at kasinungalingan ng mga teroristang mga yan,” sabi ni Pangsiw Barinay.

Source: Presidential Communications | PNA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén