Local News

Filipino Boat Captain, Umayaw sa Pakikipagpulong kay DU30 sa Maynila?

“Kung sa akin lang, kung tutulong, i-ano na lang… tumulong. Pero kung pupunta pa ako dun (Maynila), hindi ko na kaya,”

Nakatakda sanang makaharap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Maynila ang mga Pilipinong mangingisda na nabunggo umano ng Intsik sa West Philippine Sea ngayong Lunes. Pero sa huling sandali ay umayaw si Captain Junel Insigne at umuwi sa Occidental Mindoro.

Sa kanyang panayam sa media, sinabi ni Insigne na sumama daw ang kanyang pakiramdam at pagod na pagod na daw ito. Base sa naging sagot ni Insigne sa tanong ng reporter, tila ang gusto niya ay si Pangulong ROdrigo Duterte na lang ang pumunta sa Occidental Mindoro.

Reporter: “Kasama na rin po ba iyan sa kahilingan ninyo na kung gusto talaga tumulong ni Pangulo, eh pumunta na lang dito sa Mindoro?”

Captain Insigne: “Opo. Ganun na lang po.”

Inaasahan pa rin na dadalo sa pulong ang may-ari ng nabanggang Fishing Boat (F/B) na Gem-Vir at ng cook nito na si Richard Blaza.

Source: CNN Philippines | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén