Local News

Finish na! Pamilyang Nang-away ng Medical Frontliner, Binigyan ng Leksyon!

Kinasuhan na ang mga miyembro ng pamilya na nang-away ng medical frontliner at sa kawani ng barangay noong nakaraang taon.

Magugunita na nag-viral noon ang video ng pang-aaway ng isang pamilya sa nurse na magsasagawa lang sana ng swab testing. Ayon sa nurse na si Elaine Bayacal, magalang niyang pinakitunguhan ang pamilya. Umamin ang nurse na dismayado ito sa inasal ng pamilya.

“Nag-magandang gabi po ako sa kanila kasi ang aking iswa-swab po ay ‘yung tatlong anak nila. Nagpakilala po ako at in-explain ko po sa kanila kung ano po ‘yung pakay ko doon… Masakit po. Masakit na kaya nga po kami nandoon para po matulungan po sila , mai-aayos po sila,” sabi ni Bayacal.

Bukod sa nurse ay pinagbantaan din ni Ginang Cecilia Alonzo ang barangay tanod na si Jerome Alfaro.

“Sinugod ako tapos inagaw ang cell phone ko, binato sa kalsada tapos hinatak ‘yung mask ko; binuhasan ako ng tubig,” kuwento ni Alfaro.

Maririnig sa viral video ang ginawan gpagbabanta ni Ginang Alonzo kay Alfaro.

“Mayabang ka? Sige, lumapit ka sa akin kung kaya mo ako lapitan. Ako ang positive,” pagbabanta ni Ginang ALonzo sa tanod.

Narito po ang buong ulat tungkol sa insidente.

Source: GMA News | RTIA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén