Local News

Finish na talaga! ABS-CBN Franchise sa Bagong Administrasyon na Matatalakay!

Tinuldukan na ni House Speaker Lord Allan Velasco ang isyu tungkol sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN. Sa isang pahayag, sinabi ni Speaker Velasco na sa susunod na kongreso na raw matatalakay ang prangkisa para sa Kapamilya network.

“Calls to revive the franchise of ABS-CBN will have to wait until the next congress. With a little over a year until 2022 elections, the House of Representatives is bent on finishing the remaining priority measures of this administratiobn to ensure that President Rodrigo Duterte fulfill his campaign promise to the Filipino People,” sabi ni Speaker Velasco.

Magugunita na noong public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sinabi nito na hindi niya papayagan na makapag-operate ang ABS-CBN kahit na mabigyan pa ito ng prangkisa ng kongreso. Inungkat din ni Pangulong Duterte ang diumano’y utang ng pamilya Lopez sa Development Bank of the Philippines (DBP).

“Now ito ngayon sa last. Itong nangyari sa itong mga Lopez of Companies. Ang Congress is planning to restore the franchise of the Lopez. Wala akong problema doon kung i-restore ninyo. But if you say that if they can operate kung may — may ano na sila, no, I will not allow them.

I will not allow the NTC to grant them the permit to operate. Kung ibigay ninyo ‘yung franchise because it is within your power to do it, go ahead. Alam mo bakit? Unless and until mabayaran ng mga Lopez ang taxes nila, I will not — I will ignore your franchise and I will not give them the license to operate. Kalokohan ‘yan.

Parang binigyan mo sila ng prize for their being — for committing criminal acts. Iyong — ito ‘yung pinagbili ng ano, pinagbili ng Lopez iyong Lopez of Companies kasi maraming utang. So binili nila na lahat — pati ‘yung mga utang, pinagbili ng Lopez doon sa DBP.,” sabi ni Pangulong Duterte.

Source: Philstar | GMA News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén