Local News

Finish na talaga? Congressman, Nagkomento sa Nabasurang ABS-CBN Franchise Application!

Naging isyu kamakailan ang hakbang ng ilang senador at kongresista na buhayin ang prangkisa ng ABS-CBN.

Magugunita na sa pagpasok ng 2021 ay naghain agad si Senate President Tito Sotto at Congresswoman Vilma Santos ng mga panukalang batas upang bigyan ng prangkisa ang Kapamilya Network.

Maging si COngressman Lito Atienza ay kuda ng kuda tungkol sa pagbibigay ng prangkisa sa istasyon.

Pero ngayon ay tinuldukan na ni Palawan 1st district Congressman Franz Castro ang usapin. Ayon kay Castro, pinal na ang naging desisyon ng komite na bumasura sa franchise application ng ABS-CBN.

“The ABS-CBN franchise ssue was put to rest when the committee, voting 70-11, rejected the network’s franchise application on July 10, 2020.

Under the rules, anyone of the 70 house member whi voted against the franchise application could file a motion for reconsideration on behalf of ABS-CBN to challenge the decision of the committee. Unfortunately, there was none, thus the committee decision has become final.

Based on my understanding from the House leadership, the ABS-CBN franchise issue is best left to the next Congress” paliwanag ni Castro.

Ang franchise application ng ABS-CBN ay ibinasura ng mga mambabatas dahil sa isyung natukalasan laban sa istasyon. Ilang sa mga isyung ito ay ang unfair labor practices, ax avoidance schemes at iba pa.

Magugunita na nagsalita na naman si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa pagbibigay ng prangkisa.

“No franchise will ever be implemented. Maski bigyan mo ng ilang libong franchise. Settle your accounts with the government… Wala akong galit. Bayaran mo lang ang gobyerno, sasaludo ako sa inyo ng limang beses.” banat ni Pangulong Duterte.

Source: SMNI | Manila Bulletin | CNN Philippines | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén