Local News

Watch! 1st-Class Hi-Speed Ferry, Handog ng DU30 Govt! Biyaheng Pasay to Bataan, 1 Oras na lang!

Itinampok sa programang Tutok Erwin Tulfo ang modernong sasakyang pandagat na makakapabigay ginahawa sa mga kababayan natin. Ang MV XGC EXPRESS ay ferry ng 1Bataan Integrated Transport System. Ang ferry ay maaring magsakay ng 300 katao. Bumababiyahe ito ng apat na beses kada araw mula Pasay papuntang Orion, Bataan. Halos walang ginastos ang gobyerno sa naturang proyekto dahil nasa ilalim ito ng Publi-Private Partnership (PPP). Ayon sa Presidente ng 1Bataan Intergrated Transport System na si Attorney Gary Palmero, galing Japan ang sasakyan. Kumportable daw ang pagbiyahe sa ferry dahil hindi masikip. Mapapansin sa video na mayroon itong individual seats, fully airconditioned, may mga TV at internet connection ang MV XGC EXPRESS. May business class section din ang naturang ferry. Aabot lang sa P450 paasahe sa modernong ferry, mas mataas na kaunti sa bus na may P300 na pamasahe, pero mas maginhawa naman ang pagbiyahe.

“Ito ay binili galing Japan, at talagang pinili siya para makapagbigay ng magandang serbisyo sa taga-Bataaan at taga-Manila na din. Mas kumportable, hindi siya masikip, pwede kang matulog kung kailangan mo, lalo na paggaling ka sa trabaho. Tinake-in consideration natin ang mga pasahero natin para kakaibang experience. Kung pwede lang five-star, five-star experience,” sabi ni Atty. Palmero.

Ayon sa mga nangangasiwa sa passenger vessel, sumusunod daw sila sa regulasyon ng gobyerno at sinisigurado ang kaligatasan ng mga biyahero.

“Sumusunod kami as safety regulations… Lalo na sa operation ng passenger, laging standard. Mayroon kaming maritime, 2, minsan may pulis, may coastguard, minsan 4 ang escorts namin. Walang problema, safety ang tao,” pahayag ni Capt. Rowy Esterella ng MV EGC EXPRESS.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa proyekto.

Source: Erwin Tulfo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén