Local News

First Confirmed Case ng Coronavirus sa Pinas, Binunyag na ng DOH!

Kinumpirma ngayong araw ng Kagawaran ng Kalusugan ang unang kaso ng novel coronavirus sa ating bansa.

Sa isang press conference, sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ang 38-anyos na babaeng Tsino mula Wuhan, China ang dinapuan ng sakit. Bumisita ang babaeng pasyente sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbiyahe mula Hongkong nito lamang Enero 21.

Ang pasyente ay naka-admit ngayon sa isa sa mga government hospital matapos makaranas ng pag-ubo.

Hindi umano nagpakita ng anumang lagnat o pagkakasakit ang babae.

“The confirmed case arrived in the Philippines from Wuhan, China via Hongkong last January 21,2020. The patient sought consult and was admitted in one of the country’s government hospital last January 2 after experiencing mild cough. She is currently asymptomatic, which means she has no fever and no other signs or symptoms suggesting illness at this point,” sabi ni Health Secretary Duque.

Inaalam na ng otoridad kung ano ang lahat ng lugar na binisita ng babaeng pasyente. Ayon kay DOH Epidemiology Bureau chief Dr. Chito Avelino, ang pasyente ay isang turista at bumisita na sa Cebu at Dumaguete.

Ayon sa DOH, kontrolado ng ahensiya ang sitwasyon at gumagawa rin daw sila ng paraan upang maging ligtas ang mga health workers.

“I assure the public that the DOH is on top of this evolving situation. We were able to detect the first confirmed case because of our strong surveillance system, close coordination with the World Health Organization and other national agencies… We are also implementing measures to protect the health staff providing care to these patients,” paliwanag ni Secretary Duque.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén