Local News, World News

Floating Nuclear Power Plant, Inalok ng Russia sa Pilipinas!

Isang malaking pagbabago sa larangan ng energy sector ang maaring mangyari matapos ang pirmahan ng Department of Energy (DoE) at ng Russia’s state nuclear corporation Rosatom ang kasunduan para sa paggamit ng nuclear power sa Pilipinas upang patatagin ang supply ng kuyente ng bansa.

Ilan sa nakalagay sa kasunduan ay ang paggamit ng mga floating generator. Iminunkahi ito ni Rosatom’s chief executive officer Alexei Likhachev sa Pilipinas.

Ayon kay DoE Secretary Alfonso Cusi, sakop ng kasunduan ang pagtingin sa kondisyon ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) at pagtatatag ng bagong power source sa Pilipinas.

“They will evaluate BNPP if it can still be made operational and study the possibility of a new plant in another area,” sabi ni Secretary Cusi.

Ang BNPP ay nasa maayos pa rin ng kalagayan matapos ang ilang taon. Base sa occular inspection na ginawa noong 2017 ng mga government officials at mga eksperto nananatili daw sa “remarkable condition” ang planta.

Magugunita na noong nagkaroon ng bilateral meeting si Russian President Vladimir Putin kay Pangulong Duterte, ipinahayag ng Presidente ng Russia na interesado sila na bumuo ng kooperasyon para sa mapayapang paggamit ng nuclear energy sa Pilipinas.

“There are several ways to develop the nuclear energy industry in the Philippines, to reboot the existing power plant, which has been mothballed and the Filipinos keep it in a very acceptable condition or to build another station, but also of a large capacity… A more interesting approach, which we also proposed to our friends, are small-capacity nuclear plants, including floating ones,” sabi naman ni Likhachev.

Sa hiwalay na panayam naman, sinabi ni Senador Christoper Lawrence “Bong” Go na naging mabunga ang opisyal na pagbisita sa Russia. Layon daw ng Russia na tulungan ang Pilipinas na sugpuin ang terorismo. Ibinunyag din ni Go na agad daw binati ni Russian President Putin si Pangulong Duterte tungkol sa paglaban ng Pilipinas sa terorismo.

Source: Tribune

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: