Local News

For disobeying national government? Mayor Vico Sotto, Pinagpapaliawanag ng NBI sa Alleged Quarantine Violation!

Pinagpapaliwanag ng National Bureau of Investigation (NBI) si Pasig Mayor Vico Sotto dahil sa posibleng paglabag nito sa Bayanihan to Heal as One Act. Ayon kay NBI Deputy Director and spokesman Ferdinand Lavin, pinaldalhan na ng anti-graft division ng liham ang alkalde para imbitahan ito sa opisina ng NBI sa ika-7 ng Abril.

“For LGU officials for disobeying national government policies or directives in imposing qurantines under the Bayanihan to Heal As One Act,” paliwanag ni NBI Spokesperson Lavin.

Ayon sa ulat ng GMA News, ang mga local officials na lalabag sa polisiya ng national government ay mapaparusahan ng pagkakakulong ng 2 buwan at multang aabot sa P1 million. Maaari din daw matanggal sa opisina ang lalabag na local officials.

Sa isang pahayag, sinabi ni Mayor Vico na sasagutin niya ang liham na ipinadala sa kanya ng NBI kahit na dagdag trabaho para ito sa panig ng syudad ng Pasig.

“Kahit anong distraction ang ibato sa akin ng kung sino man, I’m not pointing fingers at anyone, but no matter what happens, we will focus on the task at hand — defeat COVID-19,” sabi ni Mayor Vico.

Magugunitang naging laman ng balita si Mayor Vico nang magreklamo ito sa national government para bigyan ng pagkakataon ang mga tricycles sa kanyang lungsod na bumiyahe kahit na may pinapatupad na community quarantine.

“Sana makita po ng mga ginagalang nating lider na may perspektibo kami sa local government unit na maaaring ‘di nakikita mula sa mas mataas… I am not yet even considering the social and economic effects of prohibiting tricycles. We are talking about the potential damage to public health and a possible loss of lives,” ani Mayor Vico.

Ipinaliwanag naman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na mahihirapan ipatupad ang social distancing kung papayagang magsakay ang tricycles. Pwede naman daw gumamit ng ibang sasakyan ang mga local government units.

Source: GMA News | GMA News | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: