Local News

“Former ABS-CBN Actress”, Isiniwalat ang Masamang Nanagyayari sa Kapamilya network!

“Napakahayup nila sa mga bata!”

Viral ngayon ang video ng isang babaeng nagpapakilalang dating talent ng ABS-CBN. Sa naturang video, isinalaysay niya ang kondisyon sa trabaho na nararanasan ng mga maliliit na mga artista tulad niya.

Binatikos ng babae ang mga malalaking artista ng Kapamilya network dahil wala raw pakialam sa mga minor talents.

“Kayo bang malalaking artista, may alam ba kayong ganyan? Wala! Kasi malalaki ng ang mga ulo niyo,” sabi ni Ms. Ethel.

Ibinahagi niya rin ang trato ng mga production staff sa mga bata.

“Umaga dumating kami! ‘Yung mga talent mayroon space pero ‘yung mga batang background walang space. Kinausap ko yung AP. Sabi ko, ‘baka mayroon kayong upuan para sa mga nanay. kasi yung mga nanay nakasalampak sa lupa, kalang-kalang ang mga babies. Eh maliliit pa sila, buti na lang malalaki na yung mga bata.’, ‘Ay naku wala kaming extra para sa kanila, eh mga extra lang naman ang mga iyan’. Nagulat ako sa reaksyon niya… Alas-3 ng hapon, umulan. Naulanan ang mga bata at magulang na nakasalampak doon,” pagbubunyag pa ni Ms. Ethel.

Ang nasabing video ay umani na ng libo-libong reaksyon mula sa mga netizens at habang isinusulat ang artikulo na ito ay naibahagi na ang video ng higit 31,000 beses.

Source: Facebook

Leave a Reply

Theme by Anders Norén