Local News

Former ABS-CBN DZMM Reporter, Nagbahagi ng Pekeng SEA Games Picture!

(Update) Sa isang pahayag, sinabi ng ABS-CBN na si Ricky Velasco ay matagal ng nagretiro at hindi dumaan sa kanilang pagsusuri ang social media post nito.

“ABS-CBN News did not vet or approve the social media post made by former DZMM reporter Ricky Velasco.

Mr. Velasco retired from the network in 2015. His post showed a Philippine flag purportedly used as tablecloth during a meal for SEA Games athletes.

ABS-CBN News has social media guidelines and gatekeeping layers to prevent erroneous and misleading posts.

Mr. Velasco’s post did not go through any of these processes.

ABS-CBN News does not spread disinformation.” sabi ng ABS-CBN.

Naging isyu sa social media ang isang litrato kung saan makikita ang watawat ng Pilipinas na ginawang tablecloth sa isang catering.

Ang larawan ay ibinahagi ng broadcast journalist na si Ricky Velasco at ikinonekta sa Southeast Asian (SEA) Game. Binatikos pa ang pakakasayad nito sa sahig. Makikita sa Twitter post ni Velasco na ang gamit niyang handle ay @RADYOPATROL39.

Nakarating sa kaalaman ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Official Greg Garcia ang ginawa ng journalist at sa kanyang social media account ay binira niya ang mamahayag.

“Just like inquirer, this traitor used old photos from an old event in the US to malign the seagames.
Remember his name: Ricky Velasco,”
sabi ni Garcia.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ang isang press ay nagbahagi ng pekeng impormasyon tungkol sa SEA Games. Magugunita na ang Inquirer ay nagbahagi din ng larawan ng under-renovation na sports facilities at sinabing ito ay ang stadium na gagamitin sa Biñan.

Ang maling litrato na ginamit ng Inquirer ay pinuna ng Biñan Information Office at ipinakita naman nila ang totoong stadium kung saan gaganapin ang palaro sa kanilang lugar.

Dahil sa nangyari, humingi ng paumanhin ang Inquirer sa kanilang nagawa.

Source: Greg Garcia | Abante | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén