Local News

Former Senator Jinggoy Estrada, ARESTADO sa Paglabag sa Quarantine!

Inaresto ngayong araw ng mga otoridad si former senator Jinggoy Estrada dahil paglabag nito sa Enhanced Community Quarantine.

Ayon sa ulat ng GMA News, namimigay umano ito ng relief goods nang arestuhin. Umalma naman si Estrada at sinabing nakasuot umano naman siya ng face maks at personal protective equipment (PPE) habang namimigay ng pagkain.

Narito po ang pahayag ni Mayor Zamora sa insidente.

Magugunita na noong umang bahagi ng Abril ay nagkaroon ng alitan si former senator Estrada at si San Juan City Mayor Francis Zamora. Nagalit kasi ang dating senador nang kausapin ng alkalde ang mga vendors na huwag sumali sa rolling market ni Janella Estrada, anak ni Jinggoy at katunggali ni Zamora noong nakaraang eleksyon.

“Gago (Fool)! Don’t test me, you’re a newbie here… And then you have the gall to ask vendors not to participate in Janella’s rolling store? Have you no compassion? You’re making things difficult,” buwelta ni Jinggoy.

Rumesbak naman si Mayor Zamora sa mga pinagsasabi ng dating mambabatas.

“Why would we join the (Janella’s) rolling store if they would only ask us to peddle their products without making a livelihood out of it?… If they want to help, much better for them to give these products away instead of making things difficult for us impoverished vendors… Don’t take the people of San Juan as stupid with your claims of politicization. Instead, remove the name of the politician plastered on your rolling stores,” banat naman ni Mayor Zamora.

Source: GMA News | Philstar | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: