Local News

Francis Leo Marcos, May Reklamong Rape sa Ilocos! Mga Babae, Pinaghubad para Tignan ang Dibdib!

Nakatanggap ng impormasyon ang mamamahayag na si Erwin Tulfo tungkol sa mga karagdagan reklamo laban sa internet personality na si Norman Mangusin o “Francis Leo Marcos” (FLM).

Magugunita na naging laman ng balita si FLM nooong ika-19 ng Mayo nang arestuhin ito ng mga alagad ng batas dahil sa paglabag sa optometry law. Kalaunan ay sinampahan pa ito ng mga karagdagan asunto tulad ng inciting to sedition at violation of passport law.

Ayon kay Tulfo, may mga lumapit na sa otoridad para ireklamo si Mangusin ng estafa, illegal recruitment at pangangamkam ng lupa. At ang pinakamatindi pa ay ang reklamong rape laban kay FLM sa Ilocos.

Naidetalye din sa ulat ni Tulfo ang tungkol sa human trafficking laban kay FLM. Ayon sa reklamong hawak ng mamamahayag, may mga ni-recruit si FLM at kasamahan nito na mga babae sa Europe pero lumabas pala na sa Istanbul, Turkey ipapadala ang mga biktima. Nagkaroon pa daw ng audition sa mga babae at sa interview ay pinaghubad pa raw ang mga ito upang makita ang mga dibdib.

Nilinaw naman ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi pa rin nakakalaya si FLM taliwas sa mga lumalabas na videos sa social media. Ayon sa Hepe ng NBI Cybercrime Division na si Vic Loranzo, walang bail ang kasong human trafficking.

Si FLM ay sumikat sa social media dahil sa paandar niya na “Mayaman Challenge” kung saan hinahamon niya ang mga mayayaman na tulad daw niya na tumulong sa mahihirap. Lumabas sa imbestigasyon ng NBI na ang mga magagarang bahay at kotse na ipinapakita ni Mangusin sa kanyang mga videos ay hindi sa kanya.

Source: Erwin Tulfo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén