Local News

Francis Leo Maros, Kinasuhan na ng “INCITING to SEDITION”!

Nitong ika-19 ng Mayo ay inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang internet personality na si Norman Mangusin o mas kilala sa tawag na “Francis Leo Marcos”. Ito ay dahil sa paglabag sa optometry law.

Ngayon araw ay sinampahan ng bagong kaso si Mangusin. Ayon sa ulat ng GMA News, Manila Bulletin at Philstar, mahaharap si Mangusin sa kasong inciting to sedition at paglabag sa passport law.

“Pinadala na namin yung dokumento sa City Prosecutor’s ng Manila yung sa kaso na inciting to sedition tsaka yun dun sa Anti-Alias Law… Hinihintay na lang namin na papuntahin yung mga agents doon tsaka si Francis Leo Marcos… Ang totoong pangalan niya is Norman Mangusin,” sabi ni NBI-Cyber Crime Division (NBI-CCD) Chief Victor Lorenzo.

Ayon sa opisyal ng NBI-CCD, nameke raw ng dokumento si Mangusin at gumamit ng ibang pangalan sa kanyang pasaporte.

“What is the truth? At the same time, in [violation of] the passport law, because if you falsified documents in procuring passport under a different name, that is not allowed,” saad pa ng opisyal ng NBI.

Paliwanag naman ng hepe ng Cybercrime division, nahaharap si Mangusin sa kasong “incting to sedition” dahil sa panghihikayat umano ni Mangusin sa mga tao na magalit sa mga nakatira sa isang ekslusibong village.

“Hinihikayat niya yung tao na i-challenge yung particular class na yun. Madaming beses niya ginagawa yun di ba?” saad pa ni Lorenzo.

Bukod sa mga kasong nabanggit sa itaas, may warrant of arrest din si Mangusin sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Bineperika na rin ng NBI ay kasong human trafficking laban kay Mangusin. Kinumpirma naman ni NBI-CCD Chief Lorenzo na nananatili pa rin na naka-detine ang YOutube personality sa NBI headquarters.

Si Mangusin ay nakilala dahil sa kanyang paandar na “Mayaman Challenge”.

Source: Manila Bulletin | Philstar | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: