Local News

Frankie, Sasampalin kita kung 12-anyos ako! – Famous Lawyer Atty. Topacio

Nitong mga nakalipas na araw ay naging laman ng balita si Frankie Pangilinan at ang ina nito na si Sharon Cuneta.

Noong una ay naging usap-usapan ang sagutan ni Frankie at ng broadcaster na si Ben Tulfo ukol sa isyu ng rape.

Ang ikalawa naman ay ang pagbabanta umano ng isang netizen kay Frankie.

“Pasalamat ka iha, kung ang edad ko 12 years magtago ka na sa tatay mong senador Kiko Matsing Pangilinan dahil hahanapin kita para gahasain. Tapos sisihin mo tatay mo. Dahil hindi ako makukulong,” sabi umano ng netizen na may pangalang Sonny Alcos.

Nagbabala si Cuneta na ipapahanap niya sa otoridad ang nasabing netizen at kakasuhan ito.

“What an a**h**e of a father. Considering may anak kayong babae. Oo alam namin. At anuman ang pambabastos ng isang tunay na hayop na tulad mo sa asawa ko at LALONG-LALO NA SA ANAK KONG DALAGA, ay pagpapatunay lamang na may mga demonyong nasa mundo na tulad mo. Kaya tama ang ginagawa ng anak kong disente at matalino,” boladas ni Cuneta.

Ngayon ay hindi na rin napigilan ng abogado na si Atty. Ferdinand Topacio na magsalita laban sa mag-ina.

Inilabas ni Atty. Topcaio ang kanyang pagkagalit sa mga naging komento ni Frankie laban kay former chief Justice Renato Corona.

“Hi, Kaki Pangilinan. Read your notes on CJ Corona that you saw fit to publicize. Here are my notes on your father: Sen. Pangilinan is a lousy lawyer who couldn’t even win as kapitan till he married your mom and exploited her popularity… He can’t hold a candle to your mom’s first and greatest love Gabby, who remains dashing until now. If I were 12 years old, I’d b*tch-slap you and say F.U. for your rudeness to a dead, great man,” banat ni Atty. Topacio.

Naghamon pa ang abogado kay Cuneta na kasuhan siya.

“Ate Shawie, since the SOJ (Secretary of Justice) is your friend, SUE ME! BRING IT ON!” dagdag pa ni Topacio.

Source: CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: