Local News

Gabinete, Kokonsultahin na ni DU30 sa Planong Pagtatayo ng Nuclear Power Plant sa Pilipinas

“We signed bilateral cooperation agreements on the peaceful use of energy, scientific research, health, culture and foreign policy consultations. These areas are important and therefore part of our comprehensive roadmap to build a partnership with different stakeholders and to secure the Philippines’ strategic interest.”

Ganito ang ilan sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nang dumating siya mula sa kanyang limang araw na opisyal na pagbisita sa Russian Federation para sa isang bilateral meeting.

Ayon sa Pangulo, kokonsultahin muna umano niya ang mga miyembro ng kanyang Gabinete ukol sa kasunduang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at ng Russia tungkol sa posibildad ng pagtatayo ng nuclear power plant sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Duterte, kokonsultahin din umano niya ang kanyang legal team na pinangungunahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra upang kung sakaling kailanganin ng pag-apruba ng Kongreso ang ilan sa mga bahagi ng nasabing kasunduan ay maayos itong matalakay.

“The constitution does not, would not like it. It is prohibited. That’s why, I have to talk to the government. I cannot affirm nor deny that because it is part of the proposals. The hard line would come after I shall have consulted everybody concerned, including the people of the industry affected. If it’s food,then it’s agriculture. If it’s energy, then Secretary Cusi,” saad ng Pangulo.

“Solar is very expensive. It is not a guarantee that it can solve our needs, that our needs can be met by this kind of arrangement. Kung kaya lang eh ‘di matagal na natin ginawa ‘yan,” dagdag pa ni Duterte.

Sinabi rin ng Pangulo na pangunahing dapat isaalang-alang kung ano ang pinakamakabubuti para sa bansa.

“We reaffirmed the Philippines’ strong commitment to robust and comprehensive partnership with the Russian Federation on the basis of mutual respect, trust, and pragmatism, and working with Russia, we have achieved much,” ani Duterte.

Inanunsiyo rin ng Pangulo na may P620 milyong business deals ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at ng Russia.

Source:
Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: