Local News

Gabriela, Umalma kay Duterte: Women Are Not Eye Candies For Male Pleasure!

“Consistent, sickening mysogyny by the chief executive up to the very end. Women are not eye candies for male pleasure! #BawalBastos”

Ganito ang naging tugon ng Gabriela Women’s Party sa kamakailan lamang na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Philippine Postal Office. Ayon kasi sa Pangulo, sa kanyang edad ay wala na umano siyang maaaring gawin.

“Ang trabaho ko na lang ngayon magtingin ng magandang babae. Okay na ako, tingin lang,” saad ni Duterte.

“Hindi ako naga-abduct, hindi ako nag-aano. Basta tingin lang kasi matanda na,” dagdag pa ng Pangulo.

Ayon pa kay Duterte, nagpapasalamat umano siya sa Panginoon na naranasan pa niya ang makabagong teknolohiya, bagama’t aminado umano siyang hindi madaling gamitin ang mga ito para sa kanya.

‘Ang problema lang I must confess am really ignorant of all these things. Hindi nga ako makagamit ng cellphone na digital,” saad ni Duterte.

“Du’n lang ako sa Nokia. ‘Yan lang ang gamit ko. Nag-practice ako, isang tuldok ko, tatlong letra ang lumalabas. Kaya lang ako nandito and I marvel at the innovations now… At pasalamat ako sa Diyos na inabot ko, binigyan pa ako ng ilang tao, the marvels of electroncs and digital things,” dagdag pa ng Pangulo.

Samantala, ang nasabing pag alma ng Gabriela ay lumikha ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga mambabasa. May mga bumatikos sa Pangulo at may iilan din namang nagsasabi na hindi na raw dapat patulan ng Gabriela dahil biro lamang daw ito.

Source: News5, GMA News

Leave a Reply