Local News

Gagawin Krimen ang Red-Tagging? Lacson, may Kakaibang Mungkahi!

Gusto malaman ni Senador Ping Lacson kung posible bang gawing krimen ang red-tagging. Ayon sa senador, pinag-iisipan niyang kausapin ang Department of Justice ukol sa isyu.

“I’m thinking of asking DOJ if there is basis enough to legislate… to criminalize red-tagging. I want to find out first from DOJ kung mayroon bang magiging basehan kung gawin natin ‘yun kasi baka bumangga sa freedom of expression,” boladas ni Lacson.

Hindi naman sang-ayon si Senate President Tito Sotto sa mungkahing gawing krimen ang red-tagging. Ayon kay Sotto. pwede naman magkaso ng libelo.

“Why don’t you just file a libel case? Because if we criminalize red-tagging, we have to criminalize narcissist-tagging and fascist-tagging samantalang it falls in the category of libel,” paliwanag ni Sotto.

Para sa prominenteng abogado na si Atty. Ferdinand Tpacio, pabor siya sa red-tagging. Inamin din ni Topacio na isa siyang aktibista pero hindi niya kinukunsinti ang mga kabalbalan ng mga New People’s Army (NPA).

“YES TO RED TAGGING!!! MGA ULALONG KOMUNISTA KAYO!!!!” resbak ng abogado.

“Dear Makabayan Blockheads: AKTIBISTA DIN AKO, TANGNANIYO! Nagmamartsa din ako sa lansangan laban sa Dengvaxia, Pork Barrel at recruitment ng NPA, para sa SAF44 etc. PERO HINDI KO KONUKUNSINTI ANG RAPE NG MENOR, PAGPATAY SA PULIS AT MILITAR AT EXTORTION,” banat ni Atty. Topacio sa hiwalay niyang social media post.

Source: News5 | News5 | Atty. Topacio | archive | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: