Local News

Gayahin ang Thailand? Leftist Teddy Casiño, Nanghihikayat Mag-Rally sa Oct 21!

Nitong nagdaang mga araw ay sumiklab ang kilos-protesta sa Thailand kung saan ang mamamayan nito ay nagtipon-tipon upang ipakita ang kanilang hinaing sa kanilang gobyerno.

Sa coverage ng mga international news agency, makikita ang dami ng taong lumahok sa kilos-protesta.

Ang pagkilos ng mga tao sa Thailand ay gustong gayahin ni former Bayan Muna Representative TEddy Casiño. Sa kanyang social media account, hinikayat nito ang mga tao na dumalo sa Oct 21 rally nila.

“Kung gusto ninyong mangyari sa Pilipinas ang nangyayari sa Thailand, sali kayo sa next rally. Meron sa Oct. 21.”

Kapansin-pansin na nataon ang pagtatawag ni Casiño ng kilos-protest sa media-hype na ibinibigay ng ilang news organization kay Reina Mae Nasino, ang nakapiit na aktibista na binigyan ng korte ng pagkakataon para bisitahin ang burol at libing ng kanyang anak.

Ang grupo ni Nasino ay hinuli ng mga otoridad noong 2019 dahil sa illegal possession of firearms and explosives.

Source: Teddy Casiño | Archive | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén