Local News

Leftist Group, Inudyukan si Remulla na i-Persona Non Grata si Parlade sa Cavite!

Naging laman ng headline nitong nagdaang mga araw si Lt. General Antonio Parlade dahil sa matapang nitong pagsisiwalat sa koneksyon ng ilang leftist groups sa Communist Party pf the Philippines. Naging usap-usapan din ang naging pagpapayo ng nasabing heneral sa mga sikat na personalidad na lumayo sa front organizations ng mga rebeldeng komunista.

Ngayon ay gumagawa na ng hakbang ang mga makakaliwa para makaganti kay Lt. Genral Parlade. Sa isang pahayag, sinusulsulan ng makakaliwang grupong Pamalakaya si Cavite Governor Jonvic Remulla na ideklarang Persona non grata si Parlade sa Cavite.

“Cavite Governor Remulla should be commended for his audacity to confront a military general who is on a red-baiting galore of activists and progressive celebrities. We likewise urge him to declare Parlade as a ‘persona non grata’ across the province to prevent him from his usual vilification and red-tagging campaign of democratic activists based in Cavite,” sabi ni Pamalakaya-Cavite spokesperson Myrna Candinato.

Magugunita na nagkaroonng sagutan sina Paralde at Remulla matapos akusahan ng gobernador ang heneral na nagsasabit ng anti-NPA posters. Ang akusasyon ni Remulla laban kay Parlade ay idinaan nito sa pamamagitan ng Facebook post. Agad naman rumesbak ang army official at sinabing bakit hindi na lang siya tinawagan ng personal ni Remulla.

“I’m just a spokesperson of the NTF-ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict), incidentally, I’m also the commander of Southern Luzon, area ko ang Cavite… Why not call me and ask about those things? Why accuse me? So that’s not fair, sa Facebook wall niya pa at tine-threaten niya ako, na ‘pag ako ang naglagay niyan, he will make sure na ipapatanggal niya yan… That’s not right to accuse me of putting those… Hindi ako duwag. Kung ako magpapalagay ng tarpaulin diyan, I’ll make sure my name is on there, my office logo is there,” buwelta ni Parlade.

Ito pa ang screenshots ng resbak ni Lt. General parlade sa mismong Facebook post ni Remulla.

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: