Local News

Bicol Int’l Airport Construction Site, Pinasabog ng NPA!

Namerwisyo na naman ang mga rebeldeng komunistang New People’s Army (NPA) nang pasabugin ng mga ito ang construction site ng ginagawang Bicol International Airport (BIA) sa Daraga, Albay.

Ayon sa impormasyon mula sa public affairs chief ng 9th infantry Division ng Philippine Army, mga alas-10 ng umaga nang makatanggap sila ng ulat tungkol sa nangyaring pagsabog sa construction site ng paliparan.

Agad naman rumisponde sa lugar ng insidente ang mga kasundaluhan para magsiyasat.

Naabutan pa daw sa lugar ng mga sundalo ang mga rebeldeng komunista at dito nagkaroon ng putukan.

Base sa pahayag ni Aguilar, naapektohan sa pagsabog ang dump truck na ginagamit sa construction na pagmamay-ari ng kumpanyang E.M Cuerpo Inc., isa sa mga contractor sa proyekto.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon at validation ang kapulisan sa lugar. Inatasan na rin ni Daraga Municipal Police Station Chief PLt/Col. Rodelon Betita na magkaroon ng mga police checkpoint operations.

Inaalam pa kung may nasaktan sa insidente.

Tinatarget ng gobyerno na matapos ang Bicol International Airport (BIA) sa susunod na taon (2020). Pag natapos ang paliparan, inaasahan na makakatulong ito sa ekononiya ng bansa, lalo na sa sektor ng turismo. Base sa ulat ng Philippine News Agancy (PNA) noong Mayo 2019, nasa 57% na raw ang natatapos sa proyekto.

“The role of the BIA will be huge since the Department of Tourism (DOT) has upped its campaign in bringing foreign ambassadors to the country‚Äôs globally known, yet less visited destinations,” sabi ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda.

Source: Bombo Radyo | Inq | Inq | PNA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén