Local News

Ginang, Siniraan ang Gobyerno kahit na Nakatanggap ng Tulong! Kinumpronta ng Brgy. Official dahil Nanghingi pa ng Donasyon!

“Ang pangit ng ginagawa mo!”

Hindi na nakapagpigil ang isang opisyal ng baranggay sa residenteng nasasakupan nito.

Mapapanood sa viral video kung paano kinumpronta ng opisyal ang isang ginang dahil sa pagpapakalat nito ng impormasyon na hindi siya nabibigyan ng tulong ng kanyang barangay.

Harap-harapang sinabi ng brgy. official na ilang beses niya nang binigyan ng ayuda ang ginang pero ipinakakalat daw ng ale sa social media na walang tulong na ipinagkakaloob ang barangay. Kaya katakot-takot na sermon ang inabot ng babae mula sa barangay official.

“Nag-i-scam na ang trabaho mo eh. Di ba binibigyan naman kita tapos ang comment mo ay hindi ka binibigyan ng barangay. Di ba wave 1, dinala ka namin sa barangay ng relief goods. Wave 2, ‘yung kay mayor. Tapos nag-message ka sa akin, humihingi ka ng gatas at diaper. Pinuntuhan pa kita dito ng gabi at pinagtanong pa kita dito, binigyan kita ng gatas na hinihingi mo, dipaer at sinamahan ko pa ng isang relief goods. Tapos after 3 days, nag-message ka sa akin at humingi ng nestogen at diaper. Pero ang comment mo sa mga posts mo (sa social media) ay walang binibigay sa iyo ang barangay,” sabi ng barangay official.

Ayon pa sa opisyal, nanghingi pa raw ng donasyon ang ginang.

“Ang dami mo nang hiningian ng tulong San Francisco, Bella Vista… na-trace ka namin. Na-print na namin lahat iyan (comment mo). Humingi ka ng tulong sa Bella Vista, pinadalhan ka dito. Sabi ng taga Bella Vista ay makipag-ugnayan ka sa kapitan ng baragay niyo. Ang dami mong comment at ang dami mong hinihingian ng tulong… Parang ang gusto niyo lahat ay iaasa niyo sa gobyerno ‘yung pangangailangan niyo dito… Ang daming nag-donate sa iyo. Ang pangit ate ng ginagawa mo. Ngayong ipo-post ko sa social media ang ginagawa mo. Hindi magandan iyang ginagawa mo,” dagdag pa ng barangay official.

Source: Baby Aquino

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: