Local News

“Ginawa mo pang Props ang mga Taal Victims” Radio Host, Binuwletahan ang Relief Operations ni Leni!

Hindi nagustuhan ng radio host at pro-administration blogger na si Mark Lopez ang ginawang pamimigay ni Vice President Leni Robredo ng lugaw sa mga kababayan natin sa Tuy, Batangas.

Magugunita na sa naturang relief operation ay may hawak pang papel si Robredo na may nakasulat na “Lugaw Leni”. Ayon kay Leni, masayta daw ang atmosphere sa lugar.

Pero ayon sa radio host at blogger, gusto lang daw bumida ni Robredo.

“Yung relief operations ni Leni Robredo kahapon sa Tuy, Batangas, hindi naman pagtulong kundi VLOGGING para ipamukha at ipaglandakan na sya ang BIDA. Ginawang props lang ang mga apektadong mamamayan,” sabi ni Lopez.

Banat pa ni Lopez, lahat daw ay gagawin ni Robredo para bumango ang imahe nito.

“Grabe talaga si MOTHERPACKER… lahat gagawin para lang i-angat ang kanyang imahe,” dagdag pa ni Lopez.

Inalaska naman ng Manila Bulletin lifestyle writer na si Krizette Chu si Robredo sa paandar na relief operation nito.

“Kaya pala galit lagi si Mama Leni kay Ate Mocha, gusto nya pala kumpetinsyahin as a VLOGGER. Yun Lang yun,” banat naman ni Chu.

Sapul din si Robredo sa kolumnista at radio commentator na si RJ Nieto (AKA Thinking Pinoy).

“Look at how happy the people around VP Leni Robredo are,” bwelta naman ni Thinking Pinoy.

Source: Mark Lopez | Philippine Star | Krizette Chu | Thinking Pinoy

Leave a Reply

Theme by Anders Norén