Local News

Ginawa na lahat ng Dirty Tricks Laban kay DU30, Tumaas pa ang Rating sa 91%! – Radio Host Mark Lopez

Ngayong araw ay lumabas na ang pinakahuling survey ng Pulse Asia, at sa naturang survey ay kumamada na naman muli si Pangulong Rodrigo Roda Duterte na may 91% trust rating. Ito ay sa kabila ng paninira ng mga kritiko sa ginagawang tugon ng gobyerno sa pandemiya na dulot ng covid-19.

Hindi tuloy napigilan ng radio host na si Mark Lopez na magbigay ng reaksyon sa magandang markang nakuha ng Presidente. Buwelta ni Lopez, tila nagsayang lang ng pagod ang mga kritiko at oposisyon dahil kahit na lubos na ang pwersa sa pambabatikos ay nananatili pa ring mataas ang tiwala ng mga tao sa Presidente.

Hindi rin pinalampas ni Lopez si Vice President Leni Robredo na aktibo sa pagpuna sa Duterte Administration. Sa parehas na survey ay nakakuha lang kasi si Robredo ng 50% na trust rating.


“Amputa, ginawa nyo na lahat ng dirty tricks pero imbes na bumaba, tumaas pa TRUST RATING sa 91% 😂
Tapos ung VP nyong mema, ayun, nganga,”
sabi ni Lopez.

“Putres, ang tindi na ng effort mo magbida, mang epal at magpabibo pero as VP, ang TRUST rating mo 50%, with 28% undecided and 22% eh small trust lang.
KAMOTE!”
banat pa ni Lopez.

Kanina ay nagpasalamat si Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko dahil sa magandang markang ibinigay kay Pangulong Duterte.

“Ang pangako talaga ng Presidente, gagawin niya ang lahat para makabangon tayo sa pandemiyang ito at isasantabi talaga niya ang pulitika. Lahat ng Pilipino, supporter niya, kalaban niya, iaahon niya hangga’t maaari sa kahirapan na dinulot ng pandemiya,” sabi ni Roque.

Hindi rin napigilan kanina ni Roque na pasaringan si Robredo dahil sa patuloy nitong pagpuna sa Duterte Administration.

“Naku, Madam VP, mukhang tama ang aking sinasabi. Ayaw yata ng mga Pilipino na namumulitika sa panahon ng pandemiya.

Subukan nating itigil ang pulitika. Baka po tumaas nang mas mataas sa 50% ang trust rating at mataas pa po sa 57% ang performance rating niyo,”
banat ni Roque.

Source: 1 | 2 | Archive | Archive | News5 | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: