Local News

Ginawaran ng CLASS 1 Certification ang Clark Sports Stadium na Gawa sa DU30 Admin Era!

Binigyan ng Class 1 certification ang bagong gawang Athletics Stadium sa New Clark City ng International Association of Athletics Federations (IAAF), isang governing body sa larangan ng sport athletics.

Ang naturang athletic stadium ay mayroong nine-lane main track, indoor and outdoor warm-up tracks na may kaakibat na IAAF-approved Rekortan M sandwich synthetic surface system. Kaya din nito na maglaman ng 20,000 na katao.

“When I first saw the new facility, I wanted to be an athlete again. During our time, we didn’t have this kind of equipment. I wanted to train again,” sabi ni Sean Guevarra.

Si Guevarra ng magsisilbing national athletics team coach. Siya rin ang nakapagtala ng national record sa kategorya ng high-jump noong naglalaro pa siya.

Ang sertipikasyon para sa stadium ay pormal na tinanggap mismo nila House Speaker and Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) chairman Alan Peter Cayetano, Philippine Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino at MTD Philippines President Patrick Nicholas David.

“We demand excellent output from our athletes when they compete for world championships. But if we don’t give them a facility that they can use, how do we expect them to actually compete at the elite level?” pahayag ni Patrick David ng MTD Philippines.

At kahit daw walang mga banyagang atleta na gagamit sa sports facility ay nakalaan naman daw talaga ito para sa Philippine National Team.

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén