Local News

“Ginoo na ang bahala sa inyo” ABS-CBN Actress Kim Chiu, Binida ang Nagawa ng Kapamilya Network!

Matapos ang paghahain ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema ng Quo Warranto petition para ibasura ang prangkisa ng ABS-CBN, ilan sa mga talents at empleyado ng Kapamilya network ang nagsalita upang ipahayag ang kanilang pagsuporta sa pagpapatuloy ng operasyon ng kanilang istasyon at upang itaguyod ang kalayaan sa pamamahayag.

Isa sa mga nagsalita noon ay si Kim Chiu. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinahagi ni Chiu ang turo umano sa kanyang paaralan ukol sa kalayaan.

“Growing up namulat ako sa turo ng guro ko sa skwelahan ‘We Live in a Democratic Country where we have the freedom of speech, expression and right to information.’ ‘Philippines is one of the 167 democratic countries around the world.’,” sabi ni Chiu.

Ayon pa sa talent ng ABS-CBN, hindi lang daw siya ang natulungan ng media giant kundi maraming Pilipino din daw sa buong mundo. Kaya tutol daw siya sa pagpapasara sa kumpanyang pinagtatrabahuan niya.

“Diko alam na mahahalungkat ko yung nagpag aralan ko noon at gamiting ngayon. #AbsCbn helped not just me but millions of people around the world, to shut down a company that has been part of every filipinos lives? Our president has spoken. Ginoo na ang bahala sa inyo,” dagdag pa ng Kapamilya actress.

Ginawa ng aktres ang pahayag na ito, ilang araw bago magkaroon ng seante hearing sa senado ukol sa prangkisa ng ABS-CBN. Magugunita na sa naturang pagdinig ay humingi ng paumanhin ang president at CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa hindi pagpapalabas ng media giant ng campaign ads ng dating Punong Lungsod ng Davao. Ang paumanhin ng ABS-CBN ay tinanggap naman ni pangulong Duterte. Pero nilinaw ng Palasyo na tloy pa rin ang Quo Warranto laban sa ABS-CBN kahit na nag-sorry na ito.

Source: Kim Chiu’s Instagram

Leave a Reply

Theme by Anders Norén